Umibig Ka Pusong Malimutin

Umibig ka pusong malimutin
Nalimot na sa pag-ibig sa akin
Bumalik ka sa ganda’t hiwaga
Isinulat ko sa iyong mga tala

Umibig ka pusong malimutin
Sa hangin muli mong langhapin
Hinga na aking habilin
Upang buhay ko iyong maangkin

Umibig ka pusong malimutin
Tandaan muli ang pangako
Isinulat at isinumpa sa aking puso
Hinding-hind kailan man mapapako

Umibig ka pusong malimutin
Pangalan ko bay sasambitin pa
Sa gitna ng gulo nasaloob ng ‘yong diwa
Tawagin mo muli aking payapa

Umibig ka pusong malimutin
Tumibok muli para sa akin
Pukawin ang apoy na angkin
Pusong ligaw bumalik sa akin



***



This feed is an excerpt from my blog.


You can visit my blog at http://keithamodia.blogspot.com

or my website at http://keithamodia.co.cc